_

_

Saturday, July 26, 2014

Ang Pagsasagawa: Paglilinis sa City Homes

Pinagtuunan ng pansin ng Pangkat Isa ang pinakasikat na problema sa aming mga barangay - ang problema sa basura. Bilang isang tao, tayo ay inatasan ng Diyos na pangalagaan ang iba pa niyang nilikha. Ang kalikasan ata ang mga hayop, binigyan Niya tayo ng mas mataas na antas ng katalinuhan para gabayan at alagaan ang mga ito. 

Ngunit, ikinalulungkot kong sabihin pero tila yatang nabibigo tayong gawin ang tungkulin nating ito. Dahil sa mga tao, nasisira ang kalikasan, sinasadya man natin o hindi. Marami sa ating aktibidad -mga aktibidad na kailangan nating gawin upang tayo ay mabuhay ng matiwasay - ay nakakasira ng kalikasan.. Mga basura ay nakakalat at basta-bastang tinatapon sa mga kanal, estero, ilog at iba pa. Lahat ng uri ng may buhay ay naapektuhan - pati rin tayong mga tao.


Kaya kami, ang Pangat Isa ng Baitang IX-Lavoisier, ay nagtululong-tulong upang masugpo ang problemang ito. Oo, hindi namin kayang ayusin ang buong problema ng kami-kami lang. Ngunit, laging nating isipin na, 

"Great things are done by a series of small things brought together." -Vincent Van Gogh 

Kahit maliit lamang ang epekto ng aming ginawa, isang hakbang rin ito para sa ikabubuti ng mundo. Isang maliit na hakbang, ngunit ang mahalaga ay umabante tayo sa pagsasa-ayos ng ating pagkakamali. 

Kami ay tumungo sa isang subdibisyon ng isa naming kagruopo, ang City Homes. Dito ay sama-sama kaming naglinis upang ibalik sa kalinisan ang subdibisyon na ito.

Pangkat I - 9-Lavoisier










Unang Pagsasagawa: Ang Tatlong Pinaka Popular na Suliranin sa Isang Komunidad

Sa mga nagdaang panahon, kami ay naatasan na maglibot at maghanap ng mga problema na makikita namin sa aming mga komunidad. Ito'y aming pinagsama-sama at hinanap ang tatlong pinaka karaniwang suliranin. Ito ang mga sumusunod:



1. Basura. Balat ng kendi, mga patay na hayop, at naglipanang dahon. Ito ang mga basurang aming naobserbahan sa kaniya-kaniyang mga baranggay. Dahil sa basura, nagiging hindi kaaya-aya ang isang lugar. Mas madalas din na magkaruon ng mga sakit ang mga naninirahan sa mga lugar na madaming tambak ng basura.
2. Askal o Asong Kalye. Parati naming napapansin ang mga aso na sa kalye na namumuhay. Sila'y mukhang pinabayaan at hindi na pinapansin ng mga may-ari. Dahil sa kanilang kalayaan, sila ay dumarami at kasabay nito ang pagdami din nga mga kaso ng nakagat na aso at rabies.



3. Mga Away. Magulo ang isang lugar kung dito ay parating may bangayan at away. Bata, matanda, ito'y nagiging sanhi ng tinatawag nga nating, "Noise Pollution" kung saan hindi nagiging masaya ang mga taon malapit sa mga away ng away. Naaapektuhan nito ang "well-being" ng isang tao, at maaari pang maging sanhi ng mga krimen.