Pinagtuunan ng pansin ng Pangkat Isa ang pinakasikat na problema sa aming
mga barangay - ang problema sa basura. Bilang isang tao, tayo ay inatasan ng
Diyos na pangalagaan ang iba pa niyang nilikha. Ang kalikasan ata ang mga
hayop, binigyan Niya tayo ng mas mataas na antas ng katalinuhan para gabayan at
alagaan ang mga ito.
Ngunit, ikinalulungkot kong sabihin pero tila yatang
nabibigo tayong gawin ang tungkulin nating ito. Dahil sa mga tao, nasisira ang
kalikasan, sinasadya man natin o hindi. Marami sa ating aktibidad -mga
aktibidad na kailangan nating gawin upang tayo ay mabuhay ng matiwasay - ay
nakakasira ng kalikasan.. Mga basura ay nakakalat at basta-bastang tinatapon sa
mga kanal, estero, ilog at iba pa. Lahat ng uri ng may buhay ay naapektuhan -
pati rin tayong mga tao.
Kaya kami, ang Pangat Isa ng Baitang IX-Lavoisier, ay nagtululong-tulong
upang masugpo ang problemang ito. Oo, hindi namin kayang ayusin ang buong
problema ng kami-kami lang. Ngunit, laging nating isipin na,
"Great things
are done by a series of small things brought together." -Vincent Van Gogh
Kahit maliit lamang ang epekto ng aming ginawa, isang hakbang rin ito para sa
ikabubuti ng mundo. Isang maliit na hakbang, ngunit ang mahalaga ay umabante
tayo sa pagsasa-ayos ng ating pagkakamali.
Kami ay tumungo sa isang subdibisyon
ng isa naming kagruopo, ang City Homes. Dito ay sama-sama kaming naglinis upang
ibalik sa kalinisan ang subdibisyon na ito.
Pangkat I - 9-Lavoisier |
No comments:
Post a Comment